Ex B, ni-level sa BTS; Army, umusok sa galit!

Ex B, ni-level sa BTS; Army, umusok sa galit!

November 25, 2021 @ 12:00 PM 3 days ago


Manila, Philippines – Umuusok ang ilong ng mga Army ngayon sa isa sa mga trending topics sa social media.

Inile-level kasi sa BTS ang Pinoy hip hop group na Ex Battalion.

Bukod kasi sa Sarah G x Mateo Guidicelli concert, hindi rin nagpaawat ang Ex B na magho-hold ng concert this coming December 11 sa Araneta Coliseum, ang “EVOLUXION”.

Ang pinaghugutan ng pag-level dito sa BTS ay ang concert ticket na from Php300 sa Troop 1 to PHP35,000 sa Troop 7 para sa mga VVIP. (source: PEP)

Umani ng batikos, pang-aalaska, at marami rin namang papuri ang gaganaping concert na ito.

Nag-iingay ang Army sa social media, may mga tinawanan lang ang leveling na naganap.

Sigaw naman ng ilang netizens, “saksakan ng mahal ang ticket”, “ngayon pa talagang may pandemic nagmahal?”

Marami rin naman ang na-excite at sa katunayan, unti-unti nang nabebenta ang VVIP at ilang slots na lang ang available.

Mga ka-EX B! Huwag niyo na palampasin ‘to, bukod kasi sa literal na bonding with the group, may printed ticket ka na, greetings via zoom, EX B “Inside Kwento” via zoom, signed poster, mask and shirt, at jacket!

Arat na! Paula Jonabelle Ignacio