Ex-barangay chair sa Isabela, timbog sa droga

Ex-barangay chair sa Isabela, timbog sa droga

March 20, 2022 @ 11:45 AM 3 months ago


ISABELA – Bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang dating barangay kapitan sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng otoridad sa bahagi ng National highway, Brgy. Sipay, City of Ilagan dito sa nasabing lalawigan.

Sa ipinarating na ulat ni PLCol. Benjamin Balais, hepe ng Ilagan City Police Station kay Provincial Director ng Isabela Police Provicial Office PCol. Julio Go, ang nahuling suspek na kinilalang si Rodolfo Deogracias, 54 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Namnama City of Ilagan, Isabela.

Nakuha mula sa suspek ang isang plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 0.08 gramo at nagkakahalaga ng Php 1,000.

Nasamsam rin ang isang cellphone, isang wallet na may lamang IDs, cash at isang unit EURO motorcycle .

Nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002. Rey Velasco