Ex-barangay chairman nasamsaman ng baril, droga at illegal logs

Ex-barangay chairman nasamsaman ng baril, droga at illegal logs

August 17, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


PINUKPOK, KALINGA- Nasamsaman ng baril, droga at illegal logs ang dating Barangay kapitan ng Wagud, Pinukpuk, Kalinga.

Kinilala ang suspek na si Reynold Gongob alyas Lenod, 47-anyos, dating kapitan ng Barangay Wagod, isang negosyante at residente ng naturang lugar.

Sa naturang operasyon ay pinangunahan ng Regional Special Operations Group o RSOG ang pagsisilbi ng search warrant laban sa suspek.

Nasamsam mula sa pagiingat ni Gongob ang iba’ ibang uri ng bala, P200,000 halaga ng shabu, at P106,408 halaga ng mga illegal na pinutol na kahoy.

Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco