Ex-barangay kap, patay sa pamamaril

Ex-barangay kap, patay sa pamamaril

January 8, 2023 @ 12:30 PM 3 weeks ago


STA. MARIA, ISABELA- Sumisigaw ngayon ng katarungan ang pamilya at kamag-anak ng dating barangay kapitan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga salarin sa isang maisan ng kanyang pinsan sa barangay San Antonio, sa Sta. Maria, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Facundo Bingayan, 74-anyos, may-asawa at dating Barangay Kapitan ng Poblacion Uno dito sa nasabing bayan.

Nagtamo ng isang tama ng baril sa kanyang kaliwang noo ang biktima na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Posible umanong may kinalaman sa alitan sa lupa ang motibo ng krimen.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na inaalam ng pulisya kung sino ang mga nasa likod sa pamamaril sa dating barangay official. Rey Velasco