Ex-Basilan town official, asawa pinaulanan ng bala

Ex-Basilan town official, asawa pinaulanan ng bala

December 7, 2022 @ 7:46 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang dating opisyal ng bayan habang sugatan ang kanyang asawa sa insidente ng pamamaril sa Isabela City ng Basilan nitong Martes.

Kinilala ni Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, ang namatay na si Melissa Alih, 30, habang naospital ang kanyang asawang si Jack, 30, kasunod ng pag-atake 12:10 ng umaga.

Si Melissa ay dating assistant municipal secretary sa islang bayan ng Hadji Muhtamad, Basilan.

Ayon kay Verceles, lumabas sa imbestigasyon na ang mag-asawa ay sakay ng motorsiklo pauwi sa Barangay Tabuk, Isabela City, nang paulit-ulit na pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaking riding tandem sakay ng isa pang motorsiklo na nakabuntot sa kanila sa Barangay Doña Ramona T. Alano.

Aniya, idineklara ng attending physician na nasawi si Melissa bandang 12:45 a.m.

Narekober ng mga imbestigador ng pulisya ang apat na basyo ng bala mula sa isang .45-caliber pistol sa pinangyarihan ng krimen. RNT