Ex-Batangas vice gov Ricky Recto pumanaw na

Ex-Batangas vice gov Ricky Recto pumanaw na

December 6, 2022 @ 1:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Patay na si dating Batangas vice governor Ricky Recto nitong Martes, ayon sa kanyang kapatid at  House Deputy Speaker Ralph Recto ng Batangas.

“With sadness, we share the news that our brother Ricky has passed away,” anunsyo ng mambabatas.

“Words are hard to come by to express the sorrow of losing him, but we take comfort in our fond memories of him to overcome the pain we feel,” patuloy niya.

Subalit, hindi nagbigay ng detalye ang solon ukol sa ikinamatay ng kanyang kapatid.

Sa halip, pinasalamatan niya ang mga nakiramay sa kanyang pamilya.

“We are touched by your kind words and prayers, but in the meantime, we ask for the time and space to grieve in private,” pahayag niya.

“But we do recognize that Ricky had served as a national athlete and as an elected official, so a simple memorial is being discussed, the details of which may be announced soon,” aniya pa.

Naaresto ng mga awtoridad si Ricky nitong nakaraang Hulyo matapos maghain ng dati niyang kasintahan ng Violence Against Women and Children complaint laban sa kanya. RNT/SA