Ex-BFAR chief tumangging sangkot sa agri smuggling

Ex-BFAR chief tumangging sangkot sa agri smuggling

July 9, 2022 @ 10:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Itinanggi ni dating Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) director Eduardo Gongona ang mga alegasyon na bahagi siya ng large scale smuggling ng agricultural products sa bansa.

Isa si Gongona sa mga personalidad na tinukoy na umano’y protektor at smuggler ng mga produktong agrikultural ng Senate Committee of the Whole sa ulat ukol sa iligal na aktiidad.

Kinwestiyon niya kung bakit siya inaakusahan na dawit sa pagpupuslit gayong hindi naman saklaw ng Senate hearings ang fisheries.

Sinabi ng ex-BFAR chief na sumulat siya upang linawin ang alegasyon.

Iginiit pa ni Gongona na wala siyang alam ukol sa motibo ng nag-ugnay sa kanya sa kontrobersiya. RNT/SA