Ex-cadres tutol sa paglibing kay Sison sa Pinas

Ex-cadres tutol sa paglibing kay Sison sa Pinas

December 22, 2022 @ 9:35 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tinutulan ng grupo ng mga dating kadre ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang umano’y “wish” ni Jose Ma. Sison na ilibing sa Pilipinas.

“We categorically declare our strongest opposition to the attempts and schemes of cohorts and minion of Joma Sison and the CPP-NPA-NDF to bring his ashes and/ remains back to our country,” anang Sentrong Alyansa Ng Mga Mamamayan Para Sa Bayan (Sambayanan) sa pamumuno ng Secretaary General nitong si Jeffrey “Ka Eric” Celiz.

Idinagdag niya na si Sison, na namatay noong Disyembre 16 sa Utrecht, The Netherlands, ay namuno sa pagkawasak ng mamamayang Pilipino at ng bansa sa loob ng mahigit 50 taon sa pamamagitan ng CPP-NPA-NDF.

Sumang-ayon din si Legal Cooperation Cluster Regional Task Force 6-End Local Communist Armed Conflict (RTF6-ELCAC) spokesperson Prosecutor Flosemer Chris Gonzales sa pananaw ni Celiz sa isang hiwalay na pahayag.

“Hindi bayani si Joma Sison. Si Joma Sison ay isang kilalang itinalagang lider ng terorista. Hinahayaan ba natin na maibalik sa ating bansa ang mga labi ng isang lider ng terorista? Ang sagot ay Hindi. Hayaang ilibing sa ibang lugar ang takas na si Joma Sison,” aniya.

Si Sison at ang kanyang asawa ay inaresto noong 1976 noong panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. at pinalaya mula sa pagkakakulong noong 1986 pagkatapos maluklok si Pangulong Corazon Aquino sa pwesto.

Noong 1987, nag-self-exile si Sison sa The Netherlands matapos matigil ang usapang pangkapayapaan sa gobyerno. RNT