Ex-CDO mayor Rueben Canoy sumakabilang buhay na

Ex-CDO mayor Rueben Canoy sumakabilang buhay na

July 6, 2022 @ 2:35 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sumakabilang buhay na si dating Cagayan de Oro City Mayor at Misamis Oriental Assemblyman Atty.  Reuben Canoy nitong Martes. Siya ay 93 taong gulang.

Kinumpirma ng kanyang anak na si Rhona ang pagkasawi ng ama sa pamamagitan ng isang post sa social media.

“It is with sadness that we are informing you of Dad’s passing at 8:55 p.m. tonight July 5, 2022. Please pray for the eternal repose of his soul. Arrangements for his wake will be announced later,” saad sa kanyang post.

Wala pa ring opisyal na pahayag mula sa pamilya sa sanhi ng pagkamatay.

Ang huling serbisyo ni Canoy sa gobyerno ay nang italaga siya ni dating pangulong Rodrigo Duterte noong 2018 bilang isa sa mga miyembro ng consultative committee para suriin ang 1987 Constitution na magbibigay-daan umano sa paglipat sa federal form of government. RNT