Ex-Cebu police chief, dinepensahan ni Gov. Garcia

Ex-Cebu police chief, dinepensahan ni Gov. Garcia

June 16, 2022 @ 9:51 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Dinipensahan ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia si dating Cebu province police director, Col. Engelbert Soriano, ilang araw matapos ma-relieve.

Ipinahihiwatig naman ng gobernadora na ang aksyon ay resulta ng ‘pamumulitika’.

Sa isang press conference nitong Miyerkules, binatikos ni Garcia ang officer-in-charge ng Philippine National Police (PNP) na si Lt. Gen. Vicente Danao Jr., dahil sa akusasyon nito kay Soriano na ‘pasipsip ng Kapitolyo’.

Matatandaang tahasang ipinahayag ni Soriano ang kanyang suporta sa kontrobersyal na utos ng gobernador na may kinalaman sa opsyonal na pagsusuot ng face mask sa labas ng bahay sa probinsya.

“I do know that there is politicking even within the PNP itself. But I would not go as so far as castigating someone involved. You know, and this is addressed to Lt. Gen. Danao, when you accuse someone publicly and a fellow officer at that, that does not speak well of your character,” ani Garcia .

“I had already decided to let it be. To let the issue pass, let sleeping dogs lie and I would no longer add to the controversy. But then I had not counted on the very ungentlemanly castigation of Col. Engelbert Soriano,” dagdag pa ng gobernadora.

Pinatunayan din ni Garcia ang karakter ni Soriano sa pagsasabing ang dating police provincial director ay hindi nakikibahagi sa pulitika noong nakaraang 2022 National and Local Elections.

“I have been trying to find out… trying again and again, what violent crime and what violent infraction did Col. Soriano commit? Except that he took a stand. Recognizing my EO… That was a very safe statement – a sane and logical statement,” aniya pa.

Inakusahan umano ni Danao si Soriano na namomolitika kasunod ng kanyang pahayag sa publiko na taliwas sa utos ng PNP at Department of Interior and Local Government (DILG) na arestuhin ang mga indibidwal na hindi sumusunod sa mandatoryong pagsusuot ng face masks policy ng gobyerno.

Na-relieve si Soriano sa kanyang puwesto noong Hunyo 12, isang araw matapos niyang ipahayag ang kanyang paninindigan.

Ang PNP, sa isang hiwalay na paglabas, ay nagsabi na ang pag-alis ni Soriano sa CPPO ay naaayon sa ‘career advancement’ at ang kanyang panunungkulan doon ay lumipas na. RNT