EX-CIDG OFFICIAL BIKTIMA NG POLITIKA?

EX-CIDG OFFICIAL BIKTIMA NG POLITIKA?

January 20, 2023 @ 1:17 AM 2 weeks ago


WOW! Mga parekoy,pati ba naman isang mataas na opisyal ng Philippine National Police ay nabiktima ng masamang politika sa bansa? Trending ngayon sa social media ang pangyayari matapos siya sibakin sa puwesto kamakailan dahil umano sa kapristo ng isang mataas na opisyal sa pamahalaan. Aba, napakalakas pala talaga ng opisyal na ito.

Si PBGen. Ronald Oliver Lee, dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group na halos hindi mabilang ang accomplishments partikular sa pagsugpo ng iligal na droga at pagpapaigting ng laban sa krimen sa bansa ang tinutukoy na nasibak sa puwesto.

Si Lee, miyembro ng Philippine Military Academy ’92, ay naging regional director ng Cordillera noong nakalipas na 2022 National and Local Election, bago siya naupo bilang hepe ng CIDG.

Itinuturong si Lee umano ang dahilan nang pagkatalo ng kapatid ng mataas na opisyal na nakatalaga sa Malakanyang kaya abot langit daw ang galit nitong si Secretary LV.

Lekat, loko pala ang opisyal na ito. Pati ba naman ang PNP ay idinadamay nila sa lokohan sa politika? Utang na loob, huwag n’yo idamay ang pulisya.

Hindi kaya makaapekto sa malalimang imbestigasyon na isinasagawa ng PNP kaugnay sa nawawalang mga sabungero ang pagsibak kay Lee?

Sa pangunguna ni Lee, pilit na tinutukoy ng CIDG kung sino ang mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Ayon sa source ng Juan de Sabog, hindi tumigil si Sec. LV sa pagtawag kay Department of the Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos para lang matanggal si Lee bilang CIDG director.

Ganoon? Aba’y mga gago pala ang mga ito pati ba naman ang trabaho ng mga pulis ay pinakikialaman pa ng gaya nitong si Malakanyang official.

Kung ganito, personal ang galit ni Mr. Secretary kay Lee kaya naman ginagamit nito ang kanyang puwesto at kapangyarihan upang makaganti.

Naku, nakakatakot naman palang kalabanin ang ang pamilya nito na hindi marunong tumanggap ng pagkatalo.

Nauna umanong isama ni Pangulong Marcos si Lee sa promotion para maging Major General subalit hinarang rin umano ng opisyal na ito.

Hindi kaya, kapag ganito lagi ang ginagawa ng opisyal ay makasira sa pamunuan ni PBBM?
Naman! Baka lang mahiya siya sa sarili niya sa ginagawa niyang pangunguna sa Pangulo ng bansa.

TONG COLLECTION NG NBI

Patuloy pa rin daw ang ginagawang pangongotong nina alyas Tata Jerry at alyas Marcial sa mga iligal na pasugalan gamit daw ang pangalan ng hepe ng National Bureau of Investigation na si Dir. Medardo De Lemos.

Alam kaya ito ni De Lemos?

HIndi lang sa mga pasugalan subalit maging sa mga lugar na bentahan ng sariwang laman ay matunog ang NBI dahil sa koleksyon ng mga ito para sa proteksyon mula sa mga aliwan na nagbebenta ng mga kababaihan.

Naku, Dir. De Lemos, alam mo bang basang-basa ang papel mo sa mga iligalista dahil sa laki ng hinihingi ng mga bata mo?

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]