Ex-con balik-selda sa P4.3M tobats

Ex-con balik-selda sa P4.3M tobats

August 15, 2022 @ 11:47 AM 2 months ago


BACOLOD CITY- BALIK-SELDA ang isang ex-convict matapos makuhanan ng higit P4.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad Linggo sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Ahzer Villarosa, 38-anyos, at residente sa Purok Masinadyahon, Brgy. Pahanocoy, Bacolod City.

Ayon kay Police Major Joery Puerto, station commander ng Police Station 8, dakong 8:00 PM nadakip ang suspek sa nasabing lugar kung saan target nila ang mga convicted criminal at isinailalim niya sa isang buwan monitoring ang suspek.

Nakuha sa suspek ang 8 pirasong nakabalot na shabu na may bigat ang bawat isa na 100 gramo at aabot halagang P4,318,000.

Nabatid, na nakulong ang suspek sa kasong pagpatay at nakalabas ito ng piitan taon 2019.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022./Mary Anne Sapico