Ex-convict patay sa pamamaril

Ex-convict patay sa pamamaril

January 21, 2022 @ 10:01 AM 7 months ago


Aklan- Todas ang isang ex-convict matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem suspect habang naglalakad ang una kagabi sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si George Quindong, 31 anyos, at residente ng Sitio Maeobog, Calizo, Balete.

Batay sa report ng Balete Police Station, naglalakad lamang ang biktima sa nasabing lugar ng bigla na lamang sumulpot ang mga armadong suspek.

Dito, pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

 Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nabatid, kalalabas lamang biktima ng kulungan sa kasong pagpatay ilang taon na ang nakakalipas.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente./Mary Anne Sapico