Ex-cop na kandidato sa pagka-mayor, 4 pa huli sa P2.3M damo

Ex-cop na kandidato sa pagka-mayor, 4 pa huli sa P2.3M damo

October 14, 2021 @ 7:14 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

MT. PROVINCE – Arestado ang isang dating pulis at ang apat na kasama nito matapos maharang sa checkpoint at mahaulihan ng ‘marijuana’ bricks sa Brgy. Poblacion, Sadanga ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Ang mga nahuling suspek ay kinilala ni PDEA Cordillera Regional Director Gil Castro na sina Sonny Kidit Kalaw, 36, may asawa, dating pulis at mayoralty candidate sa Sabangan, Mt. Province; Jonathan Fomanos Abella, 37, may asawa, empleyado ng Bontoc General Hospital, residente ng Brgy. Gawana, Barlig, Mt. Province; Jeric Arzadon Sansano, 30, may asawa, tubong-Bonfal East, Nueva Vizcaya pero naninirahan ngayon sa Brgy. Foyayeng, Bontoc, Mt. Province; Samson Amiling Damaso, 28, may asawa, tubong-Tadian, Mt. Province pero naninirahan ngayon sa Brgy. Samoki, Bontoc, Mt. Province, at isang 17-anyos na lalaki, residente ng Brgy. Batayan, Tadian, Mt. Province.

Ayon kay Castro, si Kalaw ay dating pulis Maynila na nag-AWOL sa serbisyo.

Nabatid na agad na nagsagawa ng checkpoint ang mga pinagsanib na puwersa ng Sadanga MPS, PDEA mt. Province, PDEA Mimaropa , PIU/DEU-MPPPO, MPPMFC 2nd Coy, PIDMU, RMFB1502nd, RID PROCOR matapos na makataggap ng impormasyon na may isang sasakyan na may kargang marijuana ang dadaan sa naturang lugar.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 19 bricks of marijuana dried leaves na tinatayang nagkakahalaga ng P2,280,000.00, isang weighing scale, assorted IDs, 16 fired catridges for 9mm, at 9 live ammos for 9mm.

Kinumpiska rin ng mga otoridad ang sasakyan ng mga suspek na isang kulay itim na Hiace Grandia van. Rolando S. Gamoso


  •  
  •  
  •