Ex-cop na si Nuezca kumpirmadong patay na 

Ex-cop na si Nuezca kumpirmadong patay na 

December 1, 2021 @ 6:11 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Patay na si dating Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, na sangkot sa pagpatay sa dalawang kapitbahay sa Tarlac noong Disyembre 2020, sa New Bilibid Prison Hospital, kinumpirma ni Bureau of Corrections spokesman Gabriel Chaclag nitong Miyerkules.

“This is to confirm the reported death of PDL Joel M Nuezca,” pahayag ni Chaclag sa isang text message.

Idineklarang patay si Nuezca, alas-6:44 ng gabi noong Martes, ayon pa kay Chaclag.

Sinabi rin ng opisyal ng  BuCor dinala umanong walang malay ng mga kapwa preso si Nuezca sa NBP hospital matapos mahilo ng dating pulis.

“He was brought unconscious to the NBP Hospital by his cell mates at 6:30 PM yesterday while walking outside the dormitory purposely to go to the hospital after complaining of dizziness. But while walking, he collapsed,” ani Chaclag.

Dagdag pa niya, hindi pa umano kumpirmado ang ikinamatay ni Nuezca.

“Investigation [is] ongoing to determine if there is foul play in the incident,” ani Chaclag.

Nasawi si Nuezca tatlong buwan matapos siyang hatulang guilty ng korte ng Tarlac sa salang pagpatay sa kanyang mga kapitbahay, ang mag-inang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio, sanhi ng pagtatalo ukol sa “boga” explosion at right of way. 

Sinentensyahan ng Paniqui, Tarlac Regional Trial Court Branch 106 si Nuezca ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakakulong sa bawat kaso ng pagpatay. Pinagbayad din si  Nuezca ng halagang P952,560 sa pamilya ng mga nasawi. RNT/SA