Ex-Cotabato Rep. Ipong, 2 iba pa timbog sa P4.9M graft, malversation

Ex-Cotabato Rep. Ipong, 2 iba pa timbog sa P4.9M graft, malversation

September 14, 2022 @ 4:58 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinampahan na ng kaso si dating North Cotabato 2nd District Rep. Gregorio Ipong at dalawang dating opisyal ng Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) ng malversation at graft dahil sa pagwaldas ng P4.9 milyon priority development assistance fund (PDAF) noong 2007.

Dahil dito ay sinentensyahan si Ipong, dating TLRC Deputy Director General Dennis Cunana at dating TLRC chief Accountant Marivic Jover ng anim hanggang 10 taon pagkakulong dahil sa graft.

Maliban dito, haharap din sa 10-17 taon pagkakulong dahil sa malversation ang tatlo at ipinag-utos na magbayad ng multang P4.9 milyon.

Sa 52 pahina ng desisyon na may petsang Setyembre 13, 2022, inihayag ng Sandiganbayan na hindi nag-comply sa nararapat na requirements si Ipong sa pagpili nito sa Aaron Foundation Philippines, Inc. sa pagpapatupad ng naturang PDAF-funded projects.

Wala rin umanong ebidensya na nagpakita ang AFPI ng certificae of registration o financial statement sa nakalipas na tatlong taon na operasyon nito.

“As a matter of fact, AFPI also did not submit a list of projects it was involved in to show that it had gained experience and expertise in implementing the livelihood project to be funded by accused Ipong’s PDAF.”

Itinanggi naman ni Cunanan at Jover ang paratang ngunit idiniin ng korte na guilty pa rin ang mga ito dahil hindi sila nagtanong ng mga ‘reasonable questions’ sa AFPI. RNT/JGC