Ex-customs collector, ex-PAL consultant timbog sa pangingikil

Ex-customs collector, ex-PAL consultant timbog sa pangingikil

March 18, 2023 @ 11:20 AM 5 days ago


MANILA, Philippines- Timbog ang isang dating kolektor ng Bureau of Customs at dating consultant ng Philippine Airlines sa umano’y pangingikil.

Ayon sa ulat, naaresto sina Atty. Juan Tan at Benjamin Sebastian sa entrapment operation sa Manila. Narekober ng mga awtoridad mula sa kanila ang halagang P11 milyon.

Sinabi ng  nagrereklamo na humingi sa kanya ang dalawa ng pera kapalit ng pagproseso sa customs para maipasok ang aviation fuel.

Itinanggi ng mga suspek na nahaharap sa robbery extortion, ang mga alegasyon laban sa kanila.

Inihayag ng PAL na nakikipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation hinggil sa dating consultant na sangkot sa extortion attempt.

Nais linawin ng PAL na wala itong nadiskubreng kahina-hinalang transaksyon ng dating consultant. RNT/SA