Ex-envoy Manolo Lopez pumanaw na

Ex-envoy Manolo Lopez pumanaw na

January 13, 2023 @ 1:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pumanaw na ang business leader at dating Philippine Ambassador to Japan na si Manuel “Manolo” Lopez nitong Huwebes, Enero 12 sa edad na 80.

Si Lopez ay chairman ng Lopez Holding Corp. at nanguna rin sa power utility company na Manila Electric Company bilang chairman.

Chairman din ito ng Rockwell Land Corp.

Maliban dito, nagsilbi rin bilang ambassador to Japan si Lopez mula 2011 hanggang 2016 kasabay ng administrasyon ni dating Pangulong
Benigno Aquino III.

Nakatakda itong ilibing sa Heritage Memorial Pan sa Taguig City at isasagawa ang memorial service sa Enero 17. RNT/JGC