Ex-ES Rodriguez, ‘di na bahagi ng Marcos admin; COA chair Calida, nagbitiw sa pwesto -ES Bersamin

Ex-ES Rodriguez, ‘di na bahagi ng Marcos admin; COA chair Calida, nagbitiw sa pwesto -ES Bersamin

October 4, 2022 @ 3:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinabulaanan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin na mayroong Administrative Order No. 1 na nagtatalaga kay dating ES Vic Riodriguez bilang  presidential chief of staff.

Sa isang panayam, sinabi ni Bersamin na hindi na  bahagi ng administrasyong Marcos si Rodriguez.

Bilang tugon na rin sa tanong  kung may bagong posisyon si Rodguez, sinabi ni  Bersamin na  “wala. we don’t even talk about it. not about him. not about it ang sinabi ko, wag nyong.. I have to be clear about that.”

Ang pakiusap ni Bertsamin  ay igalang ang privacy ni dating  Executive Secretary Rodriguez.

“He’s entitled to it. And to be fair to him as well as to the President (Ferdinand Marcos Jr.), let us not belabor that issue kasi the decision has been made. I was appointed executive secretary. i was sworn in into office and that should put that matter to rest,” ang wika naman ni Bersamin.

Samantala, kinumpirma naman ni Bersamin na nagbitiw na rin sa kanyang tungkulin si Commission on Audit (COA) chair Jose Calida. Kris Jose