Ex-FG Mike Arroyo, pinayagang makapag-abroad ng korte

Ex-FG Mike Arroyo, pinayagang makapag-abroad ng korte

October 11, 2018 @ 5:30 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Muling nakakuha ng permiso sa Sandiganbayan na makabyahe sa labas ng bansa si dating first gentleman Mike Arroyo sa kabila ng kinahaharap nitong kasong Graft.

Pinayagan ng Sandiganbayan 7th division ang motion to travel ni Arroyo na magtutungo sa Japan at Hong Kong mula October 27 hanggang November 7 matapos na rin walang maging pagtutol dito ang prosekusyon.

Mahigpit naman ang bilin ng korte na sundin ni Arroyo ang kundisyon sa pagbiyahe nito una nang pag-report agad sa sandiganbayan sa pagbalik ng bansa.

Si ginoong Arroyo ay nahaharap sa kasong Graft kaugnay sa pagbebenta sa Philippine National Police ng mga second hand helicopter na ipinalabas nitong brand new noong taong 2009. Gail Mendoza