Ex-Gov. Reyes pinadidiskwalipika sa Comelec

Ex-Gov. Reyes pinadidiskwalipika sa Comelec

May 3, 2022 @ 6:27 PM 2 months ago


Palawan, Philippines – Ipinadi-disqualify sa Comelec si dating

Palawan Governor Mario Joel T. Reyes, na tumatakbo muli sa dating puwesto.

Sa 16 na pahinang petition for disqualification, iginiit ng mga petitioner na sina Nasir Radjudin Miranda at Mohammad Vinarao Asgali pawang mga residente ng Batazara, Palawan, hinatulan na si Reyes

ng Sandiganbayan na guilty sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na may parusang pagkakulong at perpetual disqualification sa pagkakaroon ng puwesto.

Hiniling rin ng mga petitioner sa Comelec na ikansela ang certificate of candidacy ni Reyes dahil sa pagiging “fugitive from justice” nang umalis  ito palabas ng bansa upang takasan ang warrant of arrest na inisyu laban sa kaniya ng korte kaugnay sa pagpatay sa environmentalist at broadcaster na si Dr. Gerry Ortega.

Narrator si Reyes sa Thailand noong 2015 at ibinalik sa Pilipinas para harapin ang mga kaso.

“Petitioners, as registered voters in the province of Palawan, respectfully allege that gubernatorial candidate Mario Joel T. Reyes for the province of Palawan, is disqualified to run for public office based on a decision of a competent court finding the respondent guilty beyond reasonable doubt of the crime of violation of Section 3(e) of Republic Act No. 3019, and thereafter sentenced to an indeterminate penalty of imprisonment of six years and one month as minimum, to eight years, with perpetual disqualification from holding office,” nakasaad sa petisyun.

Magugunita na August 2917 hinatulang  guilty ng Sandiganbayan Third Division si Reyes at pinatawan ng anim hanggang walong taon na pagkakulong. Binawalan na rin ito na humawak ng posisyon sa anomang sangay ng pamahalaan.

Nagsampa ng petition for review si Reyes sa Third Division ng Supreme Court ngunit kinatigan lamang ng SC ang desisyun ng Sandiganbayan.

Dahil dito, sinabi ng mga petitioner na malinaw na hindi maaring tumakbo sa 2022 National and Local Elections si Reyes.  TERESA TAVARES