Ex-husband ni Moira, may paglilinaw, ayaw rumesbak!

Ex-husband ni Moira, may paglilinaw, ayaw rumesbak!

March 16, 2023 @ 4:00 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi nalalayo si Jason Marvin Hernandez sa mga karaniwang lalaki na hindi palasalita lalo na pagdating sa personal na buhay.

Si Jason Marvin ang dating asawa ni Moira de la Torre who shares the same passion for music.

Kumbaga, swak sana sila pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Aminado naman si Jason Marvin that it was his fault, “I deserve it.”

Ganoon nga katipid ang songwriter nang makorner ng press sa mediacon ng The Write One, ang unang seryeng tampok ang real-life couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.

Si Jason kasi ang nag-compose ng theme song ng aabangang teleserye ng GMA.

Tulad ni Moira ay pumayat din si Jason.

For the past seven months, naka-base siya sa Palawan keeping himself busy with writing songs.

Obyus na umiiwas siya sa mga tanong na may kinalaman kay Moira.

Pero aware daw siya sa mga “parinig” nito sa tuwing may mga pagtatanghal ang estranged wife.

May parte nga lang sa mga kuwento ni Moira na kulang o mali ang mga detalye, pero hindi na raw para linawin pa ‘yon ni Jason.

Aniya, “Hindi kasi ako marunong gumanti. Bahala na lang si Lord.”

The least Jason told the eager-beaver press ay deserve daw niya kung ano ang kinahinatnan ng kanilang pagsasama.

In a sense, kapuri-puri ang gesture ni Jason who chooses not to speak ill of Moira lest he be accused of being bitter.

Pero may pananagutan din si Moira to stop spreading inaccurate information na makakasira lang sa lalaking dati naman niyang minahal.

Bumawi na lang si Moira sa mga kino-compose niyang kanta, doon na lang niya ibuhos ang mga hanash niya.

Meanwhile, how ironic na si Jason ang kompositor ng theme song ng The Write One pero sa kasamaang palad, naging mailap sa kanya ang pagkakaroon ng tamang pag-ibig. Ronnie Carrasco III