Ex-import ng San-En pumanaw

Ex-import ng San-En pumanaw

December 7, 2021 @ 10:35 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Pumanaw na ang dating import ng San-En NeopPhoenix na si Serbian Stevan Jelovac dahil sa stroke sa edad na 32.

Naglalaro ang Serbian center na si Jelovac sa AEK Athens sa Greece at nag-eensayo matapos magkaroon ng ankle injury, pero na-ospital ito nang mawalan ng malay habang sumasabak sa individual practice noong Nov. 14.

Nanantili nasa kritikal na kundisyon ang 6-foot-10 big man sa sumunod na dalawang linggo sa Μetropolitan General in Athens bago ito inilipat sa Serbia noong isang linggo dahil na rin sa hiling ng pamilya.

Isa si Jelovac sa teammates ni Thirdy Ravena sa rookie season niya sa Japan B-League.

Pinangunahan ng Serbian import ang atake ng San-En na may 18.9 points sa 36-percent shooting kasama ang 9.0 rebounds at 1.9 assists sa 2020-21 season.

Matapos ang paglalaro sa Japan, bumalik sa Europe si Jelovac at lumahok sa AEK kung saan may average itong 11.2 points sa 67-percent shooting mula sa threes bukod pa sa 4.4 rebounds sa limang games na nilaro nito sa Greek League.

Bago ito sinimulan ni Jelovac ang kanyang career sa Serbia sa paglalaro sa KK Vizura bago ikutin ang mundo sa paglaalro sa Turkey, Italy, Lithuania, Russia, at Germany.Rico Navarro