Ex-kapitan ng barangay, natagpuang patay

Ex-kapitan ng barangay, natagpuang patay

October 8, 2018 @ 10:21 AM 4 years ago


 

Cebu – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang dating barangay kapitan sa munisipalidad ng Sibonga, Cebu ngayong Lunes.

Ayon sa inisyal na ulat, kinilala ang biktima na si Mark Ferdinand Bas, dating barangay kapitan ng Lagtang, Talisay City. Natagpuan ang bangkay ni Bas sa Sitio Dumlog, Simala sa Sibonga.

Si Bas ay sangkot sa illegal drug trade at nagawa pa umanong makatakas sa mga pulis sa ikinasang raid sa kanyang tahanan ngayong taon.

Ayon sa mga awtoridad, si Bas ay ang ama ng barangay kagawad at mechanical engineering student na si Art Stephen Bas na pinatay sa South Coastal Road sa Talisay City nito lamang Hulyo./Remate News Team