Ex-king Constantine II ng Greece pumanaw na

Ex-king Constantine II ng Greece pumanaw na

January 11, 2023 @ 9:36 AM 3 weeks ago


GREECE – Pumanaw na ang dating hari ng Greece na si King Constantine II, ayon sa ulat ng public broadcaster ng Greece na ERT.

Si Constantine II ay namuno sa bansa bago naging isang ganap na Republika ang Greece noong 1974.

Pumanaw ang dating hari sa edad na 82 na ayon sa pinsan nito na si King Charles III, ay nasawi dahil sa stroke.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay isinugod sa Athens hospital si Constantine II dahil hirap ito sa paghinga. RNT/JGC