Ex-liaison officer ng NPA sumuko sa Bulacan

Ex-liaison officer ng NPA sumuko sa Bulacan

November 21, 2022 @ 4:41 PM 2 weeks ago


Bulacan – Isang 22-anyos na construction worker na umano’y dating miyembro at liaison officer ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa bayan ng Norzagaray ng nasabing probinsya.

Kinilala ni Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ang sumuko sa alyas “Ka Argel” na dating miyembro ng Edwardo Dagli Command ng NPA na nag-ooperate sa Quezon at Batangas province.

Sa report, sa pamamagitan ng Bulacan PECU, at 1st and 2nd Bulacan PMFC ay sumuko ito bandang 3:50 ng hapon sa Brgy. Matictic.

Isinuko ng dating rebelde ang isang hand grenade habang nasa kostudiya na ito ng 2nd PMFC para sa investigation at custodial debriefing. Dick Mirasol III