Ex-LOVELYZ member na si Mijoo, ready na sa upcoming debut!

Ex-LOVELYZ member na si Mijoo, ready na sa upcoming debut!

May 25, 2022 @ 10:29 AM 1 month ago


SEOUL, South Korea – Handang-handa na sa pagsosolo para sa upcoming debut ang dating LOVELYZ member na si Mijoo.

Ayon sa report, sa ngayon ay ongoing na sa pagpili ng mga kanta si Mijoo para sa kanyang inaasahang solo artist debut someday in July or August.

Inaasahan rin na magbibigay ng bagong identity at image para sa kanya ang upcoming debut malayo sa kanyang LOVELYZ days.

Dagdag pa sa nakalap na impormasyon, makikibahagi ang head producer ng Antenna na si Yoo Hee Yeol sa solo debut preparation ni Mijoo.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay opisyal nang pumirma si Mijoo ng exclusive contract sa agency na Antenna. RNT/JGC