Ex-LRTA admin Robles itinalaga ni PBBM bilang PCSO GM

Ex-LRTA admin Robles itinalaga ni PBBM bilang PCSO GM

July 14, 2022 @ 4:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinirang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Light Rail Transit Authority administrator Mel Robles bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Inanunsyo ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press briefing, araw ng Huwebes.

“Bilang dating administrador ng LRT, siya ay kinikilala na kauna-unahang administrator to have made that agency profitable,” ani Angeles.

Si Robles ay dati ring board member ng Intercontinental Broadcasting Corporation.

Sa ngayon, si Robles ay nasa real state business at mayroong rehabilitation facility.

Matatandaang ngayong araw rin nang ianunsyo ng press secretary ang pagkakatalaga kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge ng DOH.

Wala pang naipalalabas na appointment papers nina Vergeire at Robles ang Malakanyang. Kris Jose