Ex-LRTA Mel Robles bagong GM ng PCSO

Ex-LRTA Mel Robles bagong GM ng PCSO

July 15, 2022 @ 8:09 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ng mga civil servant at rank and file employees ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang paghirang ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr (PBBM) kay Melquiades “Mel” Robles bilang bagong General Manager ng nasabing ahensiya.

Si Robles ay matagumpay na Real State businessman at food retail and distributor ay dating administrator ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

Siya ang pinakamatagal at pinakabatang naging administrator ng LRTA.

Sa panahon ng kanyang panunungkulan  nakapagtala ang ahensya ng mataas na kita ng hindi nagtataas ng pamasahe at pinakamataas na bilang ng mananakay dahil sa pinagbuting operasyon ng mga train ng LRTA.

Sa kanyang termino rin napasimulan at natapos ang konstrukyon ng LRT Line 1-Metro Rail Transit (MRT) “Closing the Loop” station sa Balintawak, Quezon City sa habang  5.4 kilometer na may elevated rail line mula sa dating LRT Line 1 end station sa Monumento, Caloocan City.

Si Robles din ang LRTA chief nang matapos at magsimulang bumiyahe ang mga bagon ng  LRT Line 2 mula sa  Claro M. Recto Avenue sa Manila via Santolan, Pasig City.

Matagal na umanong  inaasam ng mga kawani ng ahensiya na manumbalik ang civilian leadership sa kanilang hanay matapos pamunuan ng mga retiradong police at military officials ang mga pangunahing posisyon na chairman of the board at general manager sa PCSO mula  2016.

Pabor ang rank and file ng PCSO na pamunuan ng isang businessman na may “corporate knowledge” dahil ang PCSO anila ay government owned and controlled corporation.

Mula nang mag resign si dating PCSO general manager Royina Garma na isang retiradong police colonel nitong kalagitnaan ng Hunyo, ang dating PCSO chairman of the board na si  Anselmo Simeon Pinili  ang nagsilbing concurrent officer-in-charge at general manager ng ahensiya..

Si Garma ay itinalagang  general manager noong 2019 kapalit ni retired general Phil Marines Alexander Balutan, habang si Pinili naman ay naupong chairman ng PCSO noong 2018 kapalit ni  dating police general Jose Jorge Corpuz na na-appoint noong 2016.

Sina Pinili, Corpuz at Balutan ay mistah sa PMA Class of 1983. Toto Nabaja