Ex-LTO chief Alberto Suansing pumanaw na

Ex-LTO chief Alberto Suansing pumanaw na

September 24, 2022 @ 3:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pumanaw na si dating Land Transportation Office  (LTO) chief Alberto Suansing nitong Biyernes sa edad na 70, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Inanunsyo ng DOTr ang pagkamatay ni Suansing nitong Sabado, at nagpaabot ng pakikiramay  sa pamilya ni Suansing, at kinilala ang kontribusyo ng dating LTO chief sa pamahalaan at sa pampublikong serbisyo.

“(Transport) Secretary Jaime J. Bautista and the entire staff, officers, and sectors of the Department of Transportation extend our utmost condolences to the family and loved ones of Mr. Alberto “Bert” Suansing,” pahayag ng DOTr.

“He was a dedicated public servant and an exceptional leader. As an advocate of road safety, Mr. Suansing was one of those who was instrumental in pushing for the welfare of road transport stakeholders,” dagdag nito.

Bukod sa panunungkulan bilang LTO chief, nagsilbi rin si Suansing na chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board; bilang DOTr senior consultant; consultant para sa Toll Regulatory Board Consultant, at ; bilang secretary general ng Philippine Global Road Safety Partnership. RNT/SA