Ex ni Carla, nagsalita sa pakikipaghiwalay kay Tom!

Ex ni Carla, nagsalita sa pakikipaghiwalay kay Tom!

August 6, 2022 @ 9:11 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Totoong maliit lang ang mundo.

At any given time and elsewhere, may mga taong ‘di sinasadyang makakasalubong at makikilala natin.

Ganito ang kuwento ni Cristy Fermin tungkol kay Dr. Reg Santos na may mataas na tungkulin sa Diliman Doctors Hospital.

Si Dr. Santos lang naman ang dating nobyo ni Carla Abellana.

Kuwento ni Cristy, mas mukhang artista at modelo ang manggagamot kesa sa propesyon niya.

Guwapo kasi.

Sina Reg at Carla ay magkaeskuwela raw sa OB Montessori.

May dalawang taon din silang magkarelasyon ni Carla.

Ang showbiz kunek ni Reg ay si Meryl Soriano who happens to be his friend.

Kung paano nagkrus ang landas nila ni Cristy ay dahil marami itong kaibigang doktor.

Ayon sa showbiz columnist cum online host, nalulungkot daw si Reg sa sinapit ng pagsasama nina Carla at asawang si Tom Rodriguez.

Sa mga nakakaalam, pitong taon munang magkasintahan sina Tom at Carla bago nagpakasal.

Pero matapos lang ang ilang buwan ay nagkahiwalay rin, at ngayo’y inaayos ang pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal.

Nagulat daw si Reg sa balitang ito.

Pero anuman daw ang nababalitaan ng dating nobyo ni Carla ay hindi nito pinaniniwalaan. Ronnie Carrasco III