Ex ni Carlo, nagsalita na, may nilinaw!

Ex ni Carlo, nagsalita na, may nilinaw!

January 17, 2023 @ 8:16 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Labag man daw sa kanyang kalooban, kinailangang paunlakan ni Trina Candaza ang panayam ni Ogie Diaz sa kanya.

Si Trina ang dating non-showbiz girlfriend ni Carlo Aquino.

Meron silang anak na si Mithi.

Nais lang linawin ni Trina ang ilang bagay bilang reaksyon sa mga pahayag ni Carlo ukol sa kanilang anak.

Kine-claim kasi ng aktor na matagal na niyang hindi nakikita’t nakakasama si Mithi.

But truth is, Carlo would have had the chance to bond with his daughter noong New Year pero mas pinili ng aktor na makasama si Charlie Dizon sa La Union.

Hindi naman daw ipinagdadamot ni Trina si Mithi, only that she has set a condition na huwag sanang mahati ang oras ni Carlo.

Ang siste, Carlo doesn’t give 100% of his time as he attends to other things.

Totoong nagsusustento raw ang aktor but Trina claims it’s not sufficient kaya kumakayod din siya para matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang anak.

Nagpahaging din si Trina na kahit sila pa noon ni Carlo’y kinutuban na siyang may ibang babae ito.

Hindi nga lang niya kinumpirma kung si Charlie ‘yon.

Carlo and Trina broke up in December 2021.

At bagama’t a little over a year has already passed ay aminado si Trina na mahal pa rin niya si Carlo.

Obviously, the feeling is not mutual. Ronnie Carrasco III