Ex ni Cesar, dedma sa isyung kabit!

Ex ni Cesar, dedma sa isyung kabit!

December 6, 2020 @ 3:15 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Nakatatak na kay Miss Earth Philippines 2009 at Miss Earth (Miss Air) ng taon ding ‘yon na si Sandra Seifert ang stigma na kumabit siya kay Cesar Montano.

Naugnay ang isa’t isa noong 2015.

Bale ba, napagkamalan pa si Sandra bilang ang babaeng nakahubad sa viral video ni Cesar noong 2018.

Ang totoo pala, si Kath Angeles na karelasyon ngayon ng aktor ang babaeng ‘yon.

Si Cesar ay dating ikinasal kay Sunshine Cruz. Naghiwalay sila noong 2013. Nagsampa ng annulment case si Sunshine noong 2015 at naaprubahan lang ng korte noong 2018.

Samantala, isang netizen ang nagtanggol kay Sandra sa paratang na siya’y kabit, imoral, mistress, ahas at kung anu-ano pa na umentra sa buhay ni Cesar noong sila pa ni Sunshine.

Aniya sa kanyang post, ang asal daw nito ang siyang imoral.

Wala mang direktang pag-amin ay hindi na lang ito pinatulan ng 36-year-old Filipino-German former beauty queen at ngayo’y isang negosyante. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •  

Loading...