Ex-ni Scottie na si Pau Fajardo inirereto kay Jonathan Grey ng NorthPort 

Ex-ni Scottie na si Pau Fajardo inirereto kay Jonathan Grey ng NorthPort 

July 13, 2021 @ 11:19 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos tapos ang usaping Scottie Thompson at ex-girlfriend na si Pau Fajardo kahit pa kasal na ang Ginebra star sa kanyang asawang si Jingky Serrano.

Mukhang naka-move on na rin si Fajardo dahil lumalabas na ito sa kanyang vlog. Masaya na  ang kanyang mukha at maaliwalas naman ito dahil siguro ay tanggap na niya ang nangyari sa kanila ni Thompson.

Ngayon  naman ay mina-match si Pau kay Northport player Jonathan Grey na mas hamak na gwapo kaysa kay Thompson.

Artistahin ang  dating nito at  hindi lang mga  babae ang nagkakagusto sa player kundi pati mga bading.

Ka-teammate ni Kevin Ferrer si Grey sa kasalukuyan sa  Batang Pier.

Bestfriend nila Fajardo at Scottie si Ferrer noong panahon na walang problema pa ang mag syota.

Wala namang problema kung halimbawang magka-gustuhan sina Jonathan at Pau dahil pareho naman silang single.

Hintayin na lang kung anong magiging resulta sa parereto sa sa dalawa. Dwayne Rituel