Ex ni Taylor Swift, nag-react sa All Too Well!

Ex ni Taylor Swift, nag-react sa All Too Well!

February 18, 2022 @ 4:00 PM 4 months ago


Manila, Philippines – After 10 years, finally ay nag-react ang ex-boyfriend ni Taylor Swift na si Jake Gylleenhaal sa kanyang kantang All Too Well na matatandaang tungkol sa relationship nila ng aktor.

“It’s her way of expressing herself. Artists draw on their personal experiences to write songs and I’m not mad at her,” ani ng aktor sa isang interview.

Ang All Too Well ay naging isang fan-favorote noong ni-release ito ni Taylor mula sa kanyang album na Red noong 2012. Bagama’t hindi ito ni-release as a single ay naging isa ito sa mga paborito ng fans dahil sa heartfelt lyrics na talaga namang masakit sa puso.

Fast forward to 2022, ni-release ulit ni Taylor ang RED (Taylor’s Version) kung saan kasama ang All Too Well (10-minute version). Naging usap-usapan ito sa social media at naging trending topic pa nga ang “RED SCARF” sa twitter.

Ikinagulat naman ng fans ang matured na pag-react ni Jake sa mga songs ni Taylor tungkol sa kanya.

‘Yung ibang ex boyfriend kaya ni Taylor, ano’ng reaksyon? Paula Jonabelle Ignacio