Ex-NIA administrator, 6 taong kulong, pinagbabayad ng P99M multa sa katiwalian

Ex-NIA administrator, 6 taong kulong, pinagbabayad ng P99M multa sa katiwalian

June 27, 2022 @ 9:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinatulan ng anti-graft court Sandiganbayan ang isang dating administrator ng National Irrigation Administration (NIA) ng anim na taon at isang buwang pagkakulong dahil sa pagbabayad nito sa isang contractor nang walang kaukulang pag-apruba.

Si Carlos S. Salazar ay inutusan din ng Sandiganbayan Fifth Division na bayaran ang NIA ng P98.55 milyon, ang advance payment na inilabas niya noong 2009 sa contractor ng Libmanan-Cabusao Diversion Dam project sa Camarines Sur.

Ipinataw din kay Salazar ang perpetual disqualified si Salazar sa paghawak ng pampublikong tungkulin, ayon sa inilabas na desisyon noong Biyernes, Hunyo 24.

Noong 2008, nanalo ang AM Oreta and Co. Inc. sa public bidding para sa proyekto, na itinuturing ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang prayoridad at nagkakahalaga ng P712.366. milyon. Ang nanalong bidder ay nagsumite ng quote na P700.778 milyon.

Gaya ng karaniwang pamamaraan para sa mga proyekto ng gobyerno na nagkakahalaga ng P500 milyon pataas, ang Libmanan-Cabusao Diversion Dam project ay nangangailangan ng pagsusuri at pag-apruba ng National Economic Development Authority – Investment Coordination Committee (NEDA-ICC).

Ang Regional Development Council, na pinamumunuan ng noo’y gobernador ng Albay na si Joey Salceda, ay nagdesisyon na iendorso ang proyekto sa NEDA-ICC noong Pebrero 9, 2009.

Batay sa resolusyong ito, at wala pang pag-apruba mula sa NEDA-ICC, inilabas ng NIA ang mga sumusunod na tseke sa AM Oreta:

  • P49.273 milyon – bahagyang pagbabayad ng mobilization fund noong Mayo 28, 2009

  • P49.273 milyon – 15% advanced payment net ng mga naaangkop na buwis noong Setyembre 8, 2009

Kalaunan ay pinatigil ng gobyerno ang proyekto dahil sa matinding pagtutol ng mga residente tungkol sa epekto nito sa kapaligiran.

“This Court finds that accused Salazar acted with gross inexcusable negligence when he signed the contract and issued the Notice to Proceed …absent the required NEDA-ICC approval,” ang binasa sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Rafael Lagos.

Idinagdag ng korte: “Accused Salazar cannot excuse himself from liability by claiming a higher authority employed irresistible force or threat or intimidation was employed upon his person. Again, the President just instructed NIA to shorten the bidding process; no more, no less.” RNT