Ex-NPA medic officer sa Nueva Ecija, Aurora, sumuko sa Bulacan

Ex-NPA medic officer sa Nueva Ecija, Aurora, sumuko sa Bulacan

December 6, 2022 @ 4:09 PM 2 months ago


Bulacan – Isang 34-anyos na construction worker na umanoy dating miyembro ng New Peoples Arny (NPA) at aktibong miyembro ng Kadamay ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa bayan ng San Rafael.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang sumuko sa alyas Ka Biboy, umanoy medic officer ng NPA na kumikilos sa lalawigan ng Nueva Ecija at Aurora.

Sa report ni 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Force Commander, PLt. Col. Laurente Acquiot, sa pamamagitan ng 1st and 2nd Bulacan PMFC, 24th SAC PNP SAF, 70th IB Philippine Arny at Bulacan PECU, sumuko ang dating rebelde nitong Disyembre 5, sa Brgy. Sampaloc.

Isinuko ni Ka Biboy ang isang caliber 9mm pistol, magazine at hand granade habang siya naman ay nasa kostudiya ng 2nd PMFC para sa investigation and custodial defriebing. Dick Mirasol III