Ex-NPA members, nagsuko ng mga armas sa NCRPO

Ex-NPA members, nagsuko ng mga armas sa NCRPO

September 21, 2022 @ 1:47 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Halos 10 New People’s Army surrenderees ang isinuko ang kanilang mga armas sa  isang symbolic ceremony sa Serbisyong Caravan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pangunguna ni NCRPO Acting Regional Director PBGen Jonnel C Estomo, kasama ang Joint Regional Task Force JRTF-NCR ELCAC.

Gayundin, nanumpa sila ng katapatan sa harap ng watawat ng Pilipinas.

Ito ay kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng Martial Law sa Lupang Pangako sa Brgy. Payatas sa Quezon City nitong Miyerkules. Danny Querubin