Ex-NTC chief ginisa ng CA sa ABS-CBN franchise controversy

Ex-NTC chief ginisa ng CA sa ABS-CBN franchise controversy

November 24, 2022 @ 7:37 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng isang mambabatas nitong Miyerkules ang kredibilidad ni dating telco regulator chief Gamaliel Cordoba na pamunuan ang Commission on Audit (COA) kasunod ng “injustice” sa bigong franchise push ng ABS-CBN sa gitna ng umano’y political pressure.

“Paano po kayo pagkakatiwalaan ng publiko? At paano pagkakatiwalaan ang integridad ninyo bilang chair ng COA kung nilabag niyo ang isang commitment na binigay under oath?” tanong Sen. Risa Hontiveros ang Cordoba sa harap ng screening panel ng Commission on Appointments.

Ang tinutukoy ni Hontiveros ay ang dating pangako ng Cordoba sa pagdinig ng Kamara na ang National Telecommunications Commission ay magbibigay ng provisional authority sa ABS-CBN, na nagpapahintulot sa dating broadcast giant na gumana habang nakabinbin ang pag-renew ng prangkisa nito.

Nauna nang sinabi ni Cordoba na ito ay base sa legal advice ng Department of Justice.

Gayunpaman, ginulat ng NTC ang publiko sa ibang desisyon, tinapalan pa ang ABS-CBN ng closure order noong Mayo 5, 2020, ilang araw lamang matapos babalaan ni ex-Solicitor General Jose Calida ang regulator laban sa plano nito.

“Despite your commitment under oath, instead of issuing a provisional authority, you issued on May 5 a cease and desist order against ABS-CBN after pressure from then Solicitor General Calida,” ani Hontiveros.

Pinagtanggol naman ni Cordoba ang desisyon ng NTC at sinabing nagsagawa sila ng masusing pag-aaral ang regulator sa kaso, kung saan sinuri nila ang nakaraang desisyon ng Korte Suprema na nagsasaad ng ruling ng “no franchise, no operations.”

Humingi naman ng tawad si Cordoba pero iginiit niya na sumusunod lamang siya sa jurisprudence. Binanggit din niya na ang Korte Suprema mismo ang nagbasura sa plea ng ABS-CBN laban sa shutdown order.

Samantala, si SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta, isa sa mga nangungunang personalidad na humarang sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN, ay inakusahan si Hontiveros ng “belaboring” sa isyu.

Sinabi pa ni Marcoleta na “moot and academic” na ang kaso.

Nasuspinde ang pagdinig sa pagtatalaga ni Cordoba bilang COA chief kasunod ng mainit na palitan nina Hontiveros at Marcoleta. RNT