Ex-NTC exec sa text scams na may pangalan: ‘May nag-leak’

Ex-NTC exec sa text scams na may pangalan: ‘May nag-leak’

September 2, 2022 @ 4:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng dating opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC) nitong Biyernes na mayroon ngali-leak ng personal na impormasyon ng subscribers’ sa gitna ng mga ipinapadalang spam text messages na naglalaman ng pangalan ng recipient.

“Dapat may maparusahan dito kasi may nag-leak ng information eh. Hindi naman puwede na kung saan saan lang kinuha ‘yan, merong nag-leak ng information,” giit ni NTC consultant Edgardo Cabarios sa isang public briefing.

Dating naupo si Cabarios bilang deputy commissioner ng NTC.

Sinabi pa ng NTC consultant na karaniwnag random ang spam messages, subalit kapag mayroon itong pangalan ng recipients o subscribers, nangangahulugan ito na nag-leak ang personal na impormasyon.

Iniimbestigahan na ng National Privacy Commission (NPC) ang isyu.

Gayubdin, ipinag-utos ng NTC sa telcos na muling magpadala ng babala sa publiko ukol sa bagong variety ng spam text messages. RNT/SA