Ex-OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, itinalaga sa DMW

Ex-OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, itinalaga sa DMW

August 10, 2022 @ 3:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Undersecretary on Welfare and Foreign Employment Atty. Hans Leo Cacdac angDepartment of Migrant Workers.

Nauna nang kinumpirma ni Office of the Press Secretary Atty Tricie Cruz Angeles ang pagkakatalaga kay Arnel Ignacio bilang bagong talagang OWWA Administrator.

Mapupunta rin sa Migrant Workers si POEA Administrator Bernard Olalia na magsisilbing Undersecretary for Licensing and Adjudication.

Habang mananatili pa ring OIC ng POEA si Olalia hangga’t maisaayos na ang budget ng Kagawaran ng Migrant Workers sa 2023.

Samantala, isa namang OFW na na nagtrabaho sa abroad ng 29 taon kabilang na ang pagta- trabaho sa Jeddah, Saudi Arabia ang itinalaga din sa DMW.

Ito’y kinilalang si Venecio Legaspi na magsisilbing Assistant Secretary for Reintegration ng Department of Migrant Workers. Kris Jose