Ex-parak, hinatulang guilty sa pagpatay sa 2 binata noong 2017

Ex-parak, hinatulang guilty sa pagpatay sa 2 binata noong 2017

March 14, 2023 @ 9:48 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nahatulang guilty ang isang dating pulis sa two counts of murder sa 2017 killings ng dalawang binata– si dating University of the Philippines (UP) student Carl Angelo Arnaiz at kanyang kasama na si Reynaldo “Kulot” De Guzman.

Hinatulan ng Navotas City regional trial court (RTC) si dating police officer 1 Jefrey Sumbo Perez ng dalawang life imprisonments na walang eligibility para sa parole.

Nang maganap ang krimen, 19-anyos pa lamang si Arnaiz habang 14-anyos naman si De Guzman.

Noong 2022, na-convict si  Perez ng Caloocan City RTC sa pagtatanim ng ebidensya at pag-torture sa mga biktima.

Sinintensyahan siya ng life imprisonment sa pag-torture kay De Guzman at anim na buwan hanggang apat na taong pagkakakulong at dalawang buwan sa pag-torture kay Arnaiz.

Para sa pagtatanim ng ebidensya, sinintensyahan si Perez ng dalawang life imprisonments bukod sa absolute perpetual disqualification mula sa anumang public office.

Sa murder cases na inilipat mula Caloocan City RTC sa Navotas City, sinabi ni RTC Judge Romana M.M.P. Lindayag sa kanyang desisyon:

“After a careful examination and perusal of the several pieces of evidence presented as well as the testimonies of all parties, this Court finds Accused Jefrey Sumbo Perez ‘guilty’ of the crimes of Murder punishable under Article 248 of the Revised Penal Code, and in relation to Section 5(a) of Republic Act No. 8369 or the ‘Family Courts Act of 1997’ for the deaths of victims Carl Angelo Arnaiz and Reynaldo De Guzman alias ‘Kulot.’”

Bukod sa dalawang prison terms, iniatas kay Perez na magbayad sa pamilya ni Arnaiz ng P90,000 para sa actual damages, P100,000 civil indemnity, P100,000 moral damages, at P100,000 exemplary damages.

Pinagbabayad din siya sa pamilya ni De Guzman ng P100,000 civil indemnity, P100,000 moral damages, at P100,000 exemplary damages.

Gayundin, ibinasura ng Navotas City RTC ang kaso laban sa co-accused ni Perez na si dating PO1 Ricky Arquilito sa kanyang pagkamatay.

Batay sa tala, huling nakitang magkasama sina Arnaiz at De Guzman noong Aug. 18, 2017 sa Cainta, Rizal.

Sinabi nina Perez at Arquilita na armado si Arnaiz at namatay sa pakikipagbarilan habang tumatakas noong Aug. 18, 2017 sa Caloocan City matapos umanong magtangkang nakawan ang isang taxi.

Samantala, natagpuan naman ang mga labi ni De Guzman noong Sept. 5, 2017 sa isang creek sa Kinabayuhan sa Gapan City na balot ng packing tape ang ulo at katawan at may 30 saksak.

Sa hatol kay Perez, sinabi rin ni Judge Lindayag:

“In the instant case, the testimony of the eyewitness of the prosecution, in the person of Joe Daniel, seemed to be impressed with considerable and substantial details and information, thus, making it almost impossible to be only contrived to merely implicate Accused Perez and Accused Arquilita.”

“Verily, Joe Daniel provided this Court, throughout his entire testimony, a complete and detailed account of the whole incident, from the moment he personally saw the victims, together with both Accused Arqulita and Accused Perez, until the unfortunate death of Carl Arnaiz. Joe Daniel did not only testify and describe the events chronologically, but he moreover provided particular details, which only a credible eyewitness could convey and deliver.” RNT/SA