Ex-parak kulong sa pagtutulak

Ex-parak kulong sa pagtutulak

February 17, 2023 @ 5:47 PM 1 month ago


ILAGAN CITY, ISABELA-Huli ang isang na-dismiss na pulis sa isinagawang buy-bust operation ng dating kabaro sa Brgy. Calamagui 1st, City of Ilagan.

Kinilala ni PCol. Julio Go,Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang suspek na si  Rhommel Sotelo y Cristoba, 36 anyos, dating miyembro ng PNP, may asawa at residente ng  18 Venical Road, Bgry. Baculud, City of Ilagan, Isabela.

Narekober sa direktang pagmamay-ari, kontrol at kustodiya ng suspek ang isang (1) pirasong heat sealed transparent sachet na naglalaman ng white crystaline subtance na hinihinalang shabu, isang pirasong (1) tunay na isang libong piso (Php1000.00) bilang buy bust money, isang (1) unit OPPO android cellular phone at Honda TMX 125 tricycle.

Pansamantala nasa kustodiya ng Ilagan City Police Station habang inihahanda ang kasong Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Rey Velasco