Ex-parak na suspek sa Dacer-Corbito case, huli!

Ex-parak na suspek sa Dacer-Corbito case, huli!

January 26, 2023 @ 7:44 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang suspek sa pagpatay noong 2000 sa publicist na si Bubby Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.

Ang akusado na dating pulis na si William Reed, ay nahuli sa isang operasyon noong Enero 22 sa Bulacan, sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Miyerkules.

Ayon sa NCRPO, may nakabinbing warrant of arrest ang suspek mula pa noong 2001 kaugnay sa kasong double murder.

Walang inirekomendang piyansa.

Si Reed — na bahagi rin ng most wanted list ng pulisya — ay kasalukuyang nakakulong sa pasilidad ng Regional Special Operations Group, dagdag ng NCRPO.

Si Dacer ang publicist ni dating Pangulong Joseph Estrada. Siya at si Corbito ay dinukot noong Nobyembre 2000, at ang kanilang mga nasunog na labi ay natagpuan pagkaraan ng ilang buwan.

Si dating Philippine National Police chief Panfilo Lacson ay kabilang sa mga akusado sa kaso, ngunit na-clear ng korte noong 2011. RNT