Ex-pari na lulong sa ‘tobats’ timbog sa Bulacan buy-bust

Ex-pari na lulong sa ‘tobats’ timbog sa Bulacan buy-bust

September 18, 2021 @ 1:05 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Bulacan-Arestado ang isang dating pari habang nakatakas ang kanyang kasama matapos magbenta at mahulihan ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Malolos ng lalawigang ito.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Rancy Alfonso,58,pari at nakatakas ang kasamahang si Rolando Mateo kapwa residente ng Brgy.Bagna.

Sa report ni Malolos OIC,PLTCOL Christopher Leaño kay Bulacan Police director PCOL.Lawrence Cajipe,ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek bandang 10:00 pm,Setyembre,17 sa Brgy.Bagna.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon,nabilihan ng poseur buyer ang dating pari ng isang Heat-Sealed Transparent Plastic Sachet (HSTPS) na hinihinalang shabu kaya naaresto habang nakatakas naman ang kasamang si Mateo.

Nakuha sa operasyon ang limang HSTPS na hinihinilang shabu,mga paraphernalia,cellphone at P500 buy-bust money.

Sinasabing ang naarestong suspek na nalulong sa droga ay nagbitiw na bilang pari ng isang malayang relihiyon noong 2007

Nahaharap sa kaukulang kaso ang paring suspek.(Dick Mirasol III)


  •  
  •  
  •