Ex-patrolwoman, balik-selda sa pangingikil

Ex-patrolwoman, balik-selda sa pangingikil

February 26, 2022 @ 11:52 AM 4 months ago


CAGAYAN DE ORO CITY –Balik-selda ang isang patrolwoman na natanggal sa serbisyo matapos muling mahuli ng mga dati niyang kabaro sa parehong kasong pangingikil kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na si Police Corporal Sheryl Lou Licayan, 41, Hilltop, District 1, Macanhan, Carmen.

Ayon kay Carmen Police Station commander Maj. Mario Mantala Jr., inilatag ang entrapment operation laban sa suspek sa Velez St., ng nasabing lungsod .

Sinabi ni Mantala Jr., na muli silang nakatanggap ng reklamo na muling nangingikil ang suspek sa mga aplikante ng non uniformed personnel o NUP sa naturang lugar.

Nakuha mula sa suspek ang P1,000.00 at 15-libong marked money bilang bayad kapalit ng trabaho bilang NUP.

Taon 2019 naalis sa serbisyo si Licayan sa kaparehong kaso at nakalabas ng kulungan matapos magpiyansa ng P100,000.00./Mary Anne Sapico