Ex-PBA star lulong sa droga; sekyu na ngayon

Ex-PBA star lulong sa droga; sekyu na ngayon

September 27, 2020 @ 10:23 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sayang ang player na ito dahil kung tumino lamang ito, marahil maganda ang kanyang naging buhay.

Ayon sa ating taga-bulong, kahit may edad na ang dating sikat na player na ito ay hindi pa rin natatanggal ang bisyo nitong paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Noong panahon na naglalaro ang basketbolista ay gumagamit na ito ng marijuana, pero hindi pa masyadong mahigpit ang liga noon at wala pang mga drug test.

Hindi na nakapagtataka kung bakit hindi rin naging maganda ang buhay ng player at sa katunayan ay isa siyang guwardiya ngayon sa isang kompanya.

Marangal na trabaho naman ang pagiging guwardiya pero dahil isa siyang sikat na PBA player, inaasahang may naipon man lamang ito at hindi nagtatrabaho bilang sekyu.

Kung natuto lang si player na humawak ng pera niya noon, kahit papaano ay nakapag-ipon ito at hindi nasayang ang kanyang kinita.

Dahil siguro sa paggamit niya ng drugs ay medyo naapektuhan na rin ang kanyang utak, kaya sa mga tanong sa kanya ay magulo at taliwas ang kanyang mga sagot.

Iniwan siya ng kanyang pamilya at ngayo’y hinahanap ng basketbolista ang kanyang anak. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel


  •  
  •  
  •  

Loading...