Ex-PM Abe patay na matapos barilin; suspek inaresto

Ex-PM Abe patay na matapos barilin; suspek inaresto

July 8, 2022 @ 5:31 PM 1 month ago


JAPAN – Patay na ang dating prime minister ng Japan na si Shinzo Abe.

Ito ay matapos siyang pagbabarilin sa isang campaign event ngayong  Biyernes, iniulat ng public broadcaster na NHK at Jiji news agency.

“According to a senior LDP (Liberal Democratic Party) official, former prime minister Abe died at a hospital in Kashihara city, Nara region, where he was receiving medical treatment. He was 67,” anang NHK.

Samantala, isang lalaki naman ang inaresto dahil sa pamamaril sa dating Punong Ministro.

Namatay si Abe matapos pagbabarilin habang gumagawa ng talumpati bandang alas-11:30 ng umaga malapit sa istasyon ng tren sa lungsod ng Nara.

Ayon sa NHK, isang 41-anyos na nagngangalang Tetsuya Yamagami ang naaresto sa pinangyarihan. Siya ay kasalukuyang nakakulong sa Nara Nishi police station, ayon sa outlet.

Sinabi ng mga pulis sa media outlet na sinabi ni Yamagami na siya ay “hindi nasisiyahan” kay Abe at gusto niya itong patayin.

Ang mga reporter mula sa Mainichi News ay nakipag-usap sa mga imbestigador, na nagsabing ang tunay na target ng lalaki ay isang lider ng relihiyon na hindi naroroon sa kaganapan. RNT