Ex-PMS head Zenaida Angping, itinalaga bilang ambassador to France

Ex-PMS head Zenaida Angping, itinalaga bilang ambassador to France

January 19, 2023 @ 3:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Presidential Management Staff (PMS) Zenaida Angping bilang ambassador to France.

Ito ang makikita sa dokumento mula sa Commission on Appointments (CA).

Si Angping ay matatandaang nag-time-out muna sa kanyang trabaho noong Disyembre ng nakaraang taon ay itinalaga bilang ambassador extraordinary and plenipotentiary to the French Republic noong Enero 13.

Sinabi ng CA na natanggap nila ang receipt of appointment ni Angping nito lamang Enero 17.

Si Angping ay magkakaroon ng “concurrent jurisdiction over the Principality of Monaco, with the salary and emoluments of a Chief of Mission,” ang nakasaad sa dokumento na may petsang Enero 18.

Disyembre 2 ng nakaraang taon, hindi masabi ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil kung hanggang kailan naka-leave si Angping subalit tiniyak nito na inaprubahan ng Pangulo ang naging hiling nito na break o magkaroon ng personal time para sa kanyang pamilya at sarili.

Samantala sa oras na makumpirma ng CA, manunungkulan si Angping bilang ambassador sa French Republic kung saan sakop ng kanyang hurisdiksyon ang Monaco. Kris Jose