Ex-Pnoy nakahanap ng katapat

Ex-Pnoy nakahanap ng katapat

August 6, 2018 @ 6:42 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Matapos tumigil ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa agawan ng teritoryo sa South China Sea, wala namang tigil ang oposisyon sa pagbanat sa administrasyon ni Pang. Rodrigo Duterte. Buti na lang at nakahanap na ng katapat ang mga ito sa katauhan ni Department of Foreign Affairs  Sec. Alan Cayetano.

Binira kasi kailan lang ni dating Pang. Noynoy Aquino ang kawalan daw ng transparency ng gobyerno ni Duterte sa mga ginagawa nito para ipaglaban ang karapatan ng Pinas sa West Philippine Sea. Buong yabang daw na ipinagmalaki ni PNoy na “transparent” daw ang isang “hallmark” o tatak ng kanyang administrasyon.

Heller, tingnan nga ninyo. Baka akala ni PNoy na siya pa rin ang Presidente kaya walang humpay ang pagmama­yabang nito. Hehehehe.

Hindi naman sila inuuru­ngan ni Cayetano sa walang kakwenta-kuwentang mga pasaring ni PNoy sa mabu­ngang foreign policy ng Pilipinas ngayon kumpara sa kanya noon.

Katunayan, nagbigay ng 11 tanong si Cayetano na maka­pagbibigay-linaw sa puno’t dulo ng problema na tuluyan nang nawala ang Scar­bo­rough Shoal sa p­anga­ngalaga natin simula noong 2012.

Laging ibinibida ni PNoy na wala silang itinatago at nag-abang ang buong bayan kung ano naman ang kanyang isisiwalat ukol sa administrasyong Duterte. Pero wala siyang isi­niwalat kundi ampaw.

Habang kinakastigo niya si Cayetano na hindi raw nagi­ging “transparent” sa taumbayan, biglang kambiyo siya  na hindi raw niya maaaring ilabas ang ‘information at intelligence playbook’ dahil ma­kikita raw ng China ang kanilang strategy.

Ano ba ‘yan, parang “double standard” ang pagtingin ni PNoy sa definition ng “transparency,” Siya ang nagsimulang bumatikos sa patakaran ng Duterte admin ngunit nga­yo’y tameme kapag ang kanilang ginawa ang inuungkat.

Ewan ko ba sa grupong ito. Sa halip na manira at manggulo, hindi ba mas maka­tu­tulong sila kung makikipagtulungan na lang sa gobyerno?

Bakit, natatakot ba sila sa sarili nilang multo na matagal nang palaisipan kung ano nga ang tunay na nangyari sa Scarborough o Panatag Shoal? Bakit kailangan ng back channel talks sa China?

Binigyan na nga sila ng pag­kakataon ni Cayetano na sabihin ang kanilang panig para malinaw kung sino ba talaga ang may sala o bulaan.

Nag­­hihintay ang tao ng mas malinaw na sagot mula kay ex-PNoy.

MALAKAS NGA BA

Patuloy ang dalawang mesa ng puwesto pijo ng pasaklaan ni alias FREDIE sa Brgy. Zapote, Basa sa tabi lang ito ng Jollibee Zapote, Las Piñas City na hindi man lamang daw kumikilos si Las Piñas COP Supt. Ma-rion Balonglong.

Paging: Mayor MEL, paki lang po ibinabalandra malakas daw ito sa inyo….

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]

– JUAN DE SABOG NI JOHNNY MAGALONA